Search

Ano ang Lunas sa Kagat ng Ipis

Ano ang Lunas sa Kagat ng Ipis

Kung ako ang tatanungin, ang mga ipis ay salot sa lipunan! Malamang na ganyan din ang iyong palagay, kaibigan. Tatalakayin din natin sa artikulong ito ang mga lunas sa kagat ng ipis. At kung naghahanap ka ng mabisang pamatay ng ipis, tamang lugar ang napuntahan mo sapakat pag-uusapan natin ang mabisang mga paraang pamatay sa ipis. Tatalakayin din ang mga pamamaraan na pinaniniwalaan ng marami bilang epektibo, ngunit napatunayan naming hindi pala gumagana sa ipis.

Lunas sa kagat ng ipis

Alam mo ba na ang kagat ng ipis ay maaaring maging sanhi ng seryosong mga sakit kung ito ay mapabayaan? Para makaiwas sa allergy, mga sakit at impeksyon na dala ng kagat ng ipis, basahin mong mabuti ang mga sumusunod na impormasyon.

Kapag ikaw ay nakagat ng ipis, kailangan mong gumawa ng pangunang lunas sa lalong madaling panahon para makaiwas sa mga kumplikasyon. Ang unang hakbang na dapat mong gawin ay ang paghugas ng mabuti gamit ang tubig at sabon para maiwasan ang impeksyon.

Ang paglalagay ng yelo sa kagat ng ipis ay inererekomenda ng mga doktor lalo na kung ang apektadong bahagi ay namamaga. Bawal ang pagkamot sa balat na kinagat ng insekto dahil ito ay maaaring magpalubha ng posibilidad na ikaw ay magkaimpeksyon.

Ano pa ang maaari mong gawin sa kagat ng ipis? Pwede kang magpahid ng sumusunod na mga sangkap sa apektadong bahagi:

  • Katas ng kalamansi
  • Marahang hugasan ng alak ang sugat
  • Tea bag
  • Gulaman ng aloe vera, pwede kang bumili ng aloe vera gel

Pwede kang bumili at magpahid ng Hydrocortisone cream subalit mas mabuti kung sasangguni ka muna sa doktor mo.

Mabisang pamatay ng ipis

Ang pinakamabisang paraan para labanan ang kagat ng ipis ay ang paggawa ng paraan para mapuksa ang lahat ng ipis sa bahay mo. Naglista kami ng mga pamamaraan na itinuturing na mabisang pamatay ng ipis. Isinama din namin ang mga pamamaraang matagal nang pinaniniwalaang mabisa ngunit napatunayan naming hindi.

Epektibong pamamaraan:

  1. Kumuha ng serbisyo ng pest exterminator. Ito na siguro ang pinaka epektibong pamamaraan na pamatay ipis. Yun nga lang, napakamahal ng serbisyo na ito. Ang bayad ay depende sa kung gaano kalala ang iyong problema sa ipis. Kayang puksain ng mga exterminator ang mga ipis hanggang sa pinaka pugad nila. Pero tulad ng nasabi na, mahal ang ganitong serbisyo.
  2. Gumamit ng mga traps na adhesive based. Ang mga patibong na ito ay parang pandikit. Dahil sa kaaya-ayang amoy, ang mga ipis ay maaakit at lalapit sa trap. Pero dahil ito ay napakalapot, hindi na sila makakalis dito. Ito ay epektibo kung gusto mong maalis ang mangilan-ngilang ipis sa isang parte ng bahay mo, pero hindi nito maaalis ang kanilang pugad.
  3. Gumamit ng nakakalasong pain para sa mga ipis. Ito ay epektibo dahil kaya nitong puksain ang mga ipis sa pugad kung tama ang pagkakagamit.

Hindi epektibong pamamaraan

  • Sabon at tubig.
  • Kalamansi
  • Pipino

Ang mga sangkap na tulad ng nabanggit ay sinasabing nakapagpapahina at nakapag tataboy sa mga ipis. Pero isipin ito: ano ang magagawa ng sabon, tubig, kalamansi at pipino sa isang uri ng linalang na siya lamang may kakayahang makaligtas sa pagsabog ng pinakamalakas na bomba na naimbento?

Tandaan, ang pinakamabisang solusyon sa kagat ng ipis ay ang mismong hindi pagpayag na makagat nito, at magagawa mo iyon sa pamamagitan ng paggamit ng epektibong mga pamatay ng ipis.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Lunas sa Kagat ng Ipis
1 (20%) 1 vote