Ano ang Mabisang Gamot sa Kurikong?

Ang artikulong ito ay tatalakay sa pangunahing mga impormasyong kailangan mong malaman tungkol sa sakit na kurikong. Pag-uusapan din natin ang mabibisang natural na mga pamamaraan ng paggamot dito.

Ano ang kurikong?

Ang kurikong o scabies ay isang sakit sa balat na sanhi ng maliliit na tungaw o mites na Sarcoptes scabiei. Ang tungaw na ito ay bamabaon sa balat na siyang nagdudulot ng pangangati at pamamaga. Ang kagat ng insektong ito ay maaaring magdulot ng pamamantal, pamumula at mga paltos sa balat ng apektadong bahagi ng katawan. Kung may kurikong ka, asahan mong hindi ito mawawala kung hindi ka maghahanap ng gamot sa kurikong. Ang babaeng tungaw na siyang responsable sa pagkakaroon ng kurikong ay bumabaon sa balat ng biktima para mangitlog. Ang kanyang mga itlog ay mapipisa pagkaraan ng ilang araw sa ibabaw ng balat at magsisimulang magparami.

Ano ang gamot sa kurikong?

Karamihan sa mga nakasanayan nang paraan ng paggamot sa kutikong ay maaaring magdulot ng seryosong mga side effects. Bakit? Dahil sa insekto ang sanhi nang sakit na ito, malakas na insecticide din ang kailangang gamitin para lubusang mapuksa ang mga mites na sanhi ng kurikong. Karagdagan pa, may mga taong hindi tinatalaban ng gamot sa kurikong. Dahil dito, marami sa ngayon ang naghahanap ng halamang gamot para sa kurikong.

Pero tandaan, kung ikaw ay buntis, nagpapasuso ng sanggol o kaya ay may iba pang sakit, kailangan mong magpatingin sa iyong doktor bago ka gumamit ng anumang uri ng gamot sa kurikong, maging ito man ay natural o komersyal na gamot.

gamot para sa kurikong

Halamang gamot para sa kurikong

Naghahanap ka ba ng halamang gamot sa kurikong dahil ayaw mong gumamit ng gamot na may posibleng side effects? Narito an gaming lista ng mga epektibong halamang gamot para sa kurikong na madali lamang hanapin.

Tea tree oil. Makabibili ka nito sa botika. Ang tea tree oil ay isang epektibong lunas para sa kurikong sa balat dahil sa pinapakalma nito ang pangangati at ginagamot ang pamamantal sa balat. Pero hindi nito kayang patayin ang mga itlog ng tungaw o mites na nakabaon sa balat. Pwede mong idagdag ang ilang patak ng tea tree oil sa tubig na nasa sprayer at maaaring ispray sa iyong higaan.

May isang pag-aaral noong taong 2016 na nagsasabing malaki ang potensyal ng tea tree oil bilang gamot sa kurikong lalo na sa mga pasyenteng hindi tinatalaban ng komersyal na mga gamot. Bagaman sinasabing pasado ito sa nasabing pagsusuri, kailangan pang magsagawa ng karagdagan pang mga pag-aaral at eksperimento para lubusang mapatunayan ang kakayahan nito. Kung makaranas ka nang

Kakawate. Ang kakawate ay isang halamang gamot na nabubuhay dito sa ating bansa na matagal nang ginagamit n gating mga ninuno bilang lunas sa kurikong sa balat. Gamot ito dahil ito ay may likas na insecticidal properties na pumapatay sa mga tungaw o mites na sanhi ng kurikong. Ito rin ay may kakayahang magpakalma ng pamamaga, panlaban sa bacteria at sa sakit.

Ang aktibong sangkap ng kakawate ay napatunayang nakapapatay ng mga tungaw ng subukan ito sa laboratory. Ginamit ito sa isang ekperimento para sa mga aso noong 2008 at ang resulta ay kamangha-mangha! Halos lahat sa mga asong sinuri ay naggamot sa kanilang kurikong sa balat sa loob lamang ng pitong araw. Karagdagan pang mga pag-aaral sa mga tao ang isinasagawa para lubos na matiyak ang pagiging epektibo at ligtas ng kakawate bilang gamot sa kurikong.

Aloe vera. Ang gulaman na makukuha sa aloe vera ay epektibong halamang gamot para sa kurikong dahil sa kakayahan nitong pahupain ang pangangati ng balat at patayin ang mga insektong sanhi ng kurikong. Ang isang pag-aaral na isinagawa noong taong 2009 ay nagsasabing ang halamang gamot na ito ay nagtataglay ng sangkap na nakagagamot ng scabies o kurikong na maaaring maihalintulad sa benzyl benzoate, isang pangkaraniwang risetang gamot para sa kurikong. Ang maganda, walang nakitang

Siling labuyo. Ang siling labuyo ay siyang kinikilalang pinaka-maanghang na sili sa balat ng lupa. Pero alam mo ba na ang siling labuyo ay nakagagamot sa pananakit at pangangati ng balat na dala ng kurikong? May ilang mga tao ang naniniwalang kaya pa nga nitong patayin ang mismong mga tungaw na sanhi ng kurikong, subalit wala pang pag-aaral na kumukumpirma nito. Pinamamanhid ng capsaisin na nasa siling labuyo ang mga neurons ng balat kung ito ay ipapahid sa apektadong bahagi. Paalala lamang: huwag gagamit ng sili kung alam mong may allergy ka dito.

Paglinis ng bahay

Ang mga tungaw o scabies mites na siyang sanhi ng kurikong ay maaaring mabuhay ng hanggang apat na araw kahit na hindi ito nakakapit sa kanyang mga biktima. Kaya mahalaga na linisin mo ng maayos ang iyong bahay upang maiwasan ang muling pagdami ng mga pesteng ito. Labhan ang lahat ng gamit sa higaan, damit, tuwalya, mga kurtina sa mainit na tubig at ibilad sa matinding sikat ng araw. Ang mga gamit na hindi pwedeng labhan ay kailangang isilid sa plastic bag sa loob ng hindi bababa sa limang araw. Kung marami ang nakatira sa bahay na kung saan ay nahawa ng kurikong, lahat ng mga nakatira sa bahay na iyan ay kailangan maglinis, maglaba at magbabad sa mainit na tubig ng kanilang personal na mga gamit, may kurikong man sila o wala pa.

Kailan dapat ikonsulta ang kurikong sa balat?

Huwag mong asahang mawawala agad ang pangangati na dala ng kurikong sa balat nang agad agad. Malamang na manatili ito sa loob ng ilang mga panahon matapos na maghilom na ang pamamantal. Gayunman, kung nakakaranas ka pa ng mga sintomas ng kurikong sa balat sa makalipas na ang ilang linggo, kailangan mo nang magpatingin sa doktor. Magsasagawa siya ng mga pagsusuri tulad ng skin test para makatiyak na kurikong o scabies nga ang sakit mo. Malamang na magriseta ang doktor ng cream bilang pamahid sa balat mo. Sa malalang mga kaso ng kurikong sa balat, pwedeng magbigay siya ng gamot sa kurikong na iniinom.

Bilang paglalahat, ang sakit na kurikong ay isang sakit sa balat na maaaring gamutin ng mga halamang gamot tulad ng tea tree oil, kakawate, siling labuyo o aloe vera. Kung ang mga sintomas ng kurikong sa balat ay manatili pa sa kabila ng paggamit ng mga gamot na nabanggit, kailangan mo nang magpatingin sa doktor.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Mabisang Gamot sa Kurikong?
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO

I-CLICK NGAYON! TRENDING!