Mabisang Pamatay sa Langgam sa Bahay

Ang artikulong ito ay tatalakay sa mabisang pamatay ng langgam sa bahay. Pag-uusapan din natin ang mga pamamaraan upang hindi na makapasok ang langgam sa bahay mo.

Nakakita ka nanaman ng mga langgam na nakapila sa sahig ng kusina mo! Natural inis na inis ka at nagtataka. Sa kabila ng lahat ng mga pamamaraang nagawa mo na, heto parin ang mga pesteng langgam. Malamang na nandito ka sa page na ito kasi tanong mo rin sa sarili moa ng katanungang “ano mabisang pamatay ng langgam sa bahay?” Bagaman halos imposible na pagbawalan mo ang mga langgam sa pagpasok sa bahay mo, may mga pamamaraan na pwede kang gawin bilang mabisang pamatay sa langgam. Kung hindi man sila maubos, at least hindi sila makapapasok sa bahay n’yo! Narito ang mga pamamaraang pamatay sa langgam na pwede mong subukan!

Mabisang pamatay ng langgam: Kilalanin ang mga kaaway!

Sinasabing ang pinaka mabisang panlaban sa kaaway ay ang mismong pagkilala sa kanila sa pamamagitan ng matamang pag-oobserba. Narito ang mga pamamaraan para makilala mong lubos ang iyong mga kaaway na langgam.

Una, kailangan mo munang alamin ang mga bagay tungkol sa kolonya ng langgam at sa reyna nito! Ang mabisang pamatay bng langgam sa bahay ay hindi ang pag-ubos sa mga langgam na nakikita ng iyong mga mata, kundi ang pagbibigay mo ng pansin sa mga hindi mo nakikita. Nahilo ka ano? Totoo kasi yan sa problema mo sa langgam. Ang queen ant o ang reyna ng mga langgam na siyang nangingitlog ng napakaraming langgam araw-araw ay hindi naman umaalis sa kanyang pugad o lungga. Nananatili diyan ang reyna, na pinakakain na lamang ng mga worker ants, mga langgam na iyong nakikita na nakapila at nagmamartsa. Nakahiga lamang ang reyna ng mga langgam habang nakafocus sa pangingitlog at pagpaparami. Kaya kahit mag spray ka nang magspray at mapatay mo pa ang lahat ng mga langgam na makikita mo, mangingitlog lamang ang reyna nang mas marami pa bilang pamalit sa mga langgam na napatay mo.

Kaya, ano ang dapat mong malaman? Kailangan mong malaman kung saan sila galing at saan sila papunta. Oo, bantayan moa ng pila ng mga langgam! Tandaan na ang langgam ay maghahanap ng kaniloang pagkain. Kung makakuha na sila, babalik ang langgam sa pugad nila para pakainin ang kanilang reyna.

Nakakita ka ng mga langgam, mag iispray ka na ba? Naku hindi! Sayang ang pagod mo! Tulad nang nabanggit na natin, ang mga langgam na iyan ay mga worker ants lamang, kahit patayin mo sila, manganganak lamang ang reyna ng panibago.

Mabisang pamatay sa langgam: Ant Bait o pain!

Ano ang gagawin mong mabisang pamatay ng langgam? Maglagay ka ng pain o bait! Imbes na patayin mo ang mga langgam na nakikita mo, pwede mo silang gamitin! Bumili ka ng ant bait sa pinaka malapit na hardware sa inyong lugar. Basahin at sundin moa ng label ng insecticide na ito. Maglagay ka ng pain malapit sa pila na nilalakaran ng mga langgam. Dadalhin ng mga worker ants ang pain sa kanilang pugad at ipapakain nila ito sa kanilang reyna. Alam mo na ang susunod na mangyayari! Mamatay ang reyna at mauubos ang mga langgam dahil wala ang isa na may kakayahang mangitlog sa kanilang colony. Tagumpay!

Pero hindi palaging agaran ang epekto ng ant bait kaya kailngan mo ng mahaba habang pasyensya sa bagay na ito. Tiyak na dadalhin ng mga langgam ang pain pabalik sa kanilang pugad , pero malamang na abutin pa ng ilang araw bago maubos ang mga langgam sa kolonya, pwede pa ngang umabot sa ilang linggo kung ang colony ng langgam na sinusubukan mong patayin ay napakalaki o kaya ay may ilang reyna. Baka kailangan mong palitan ang pain mo kung naubos na nila ito.

Kailan gagamit ng spray bilang pamatay ng langgam sa bahay

Kung mapansin mong ang mga nagmamartsang langgam ay palabas ng bahay o papunta sa ilalim ng lupa, iyan na ang tamang panahon na gumamit ka spray na pamatay ng langgam. Magtanong sa hardware malapit sainyo kung ano ang magandang brand na pang spray. Ang pagspray ng sa lungga hanggang sa tingin mo ay makapasok ang insecticide sa mismong lungga ay mabisang pamatay ng langgam.

Ang langgam at ang kalinisan sa bahay

Ang paglilinis sa bahay ay isa sa mabisang mga paraan para makaiwas at masolusyunan ang anumang problema sa peste kasama na ang langgam. Ang mga langgam ay nangangailangan ng tubig, pagkain at tirahan para mabuhay. Ang mga langgam ay aalis sa kanilang pugad para maghanap ng pagkain at tubig. Huwag mong hayaan na maging madali para sa kanila ang pagkuha ng pagkain! Takpan nang mabuti ang mga lalagyan ng pagkain, walisan ang sahig at linisin ang buong bahay.

Huwag mong hahayaang makapasok sa bahay mo ang mga langgam. Ang mga insektong ito ay talagang maliliit kaya kayang kaya nitong pasukin ang mga bahay sa pamamagitan ng pagpasok sa butas o tipak.

Para mabawasan ang insidenteng ito, kailangang selyohan ang palibot ng mga bintana at pinto, pati na ang daanan ng mga tubo, kable at mga kawad.

Mabisang pamatay ng langgam: Natural na pang-spray sa langgam

Baka isa ka sa mga tao na ayaw gumamit ng kemikal na pamatay sa langgam. Narito ang mga sangkap na pwede mong pagpilian:

Sukang puti. Ang sukang puti ay isa sa mabibisang mga sangkap na pamatay ng langgam. Malamang na hindi nila makayanan ang mabagsik na amoy suka. Karagdagan pa, ang amoy ng suka ay nakatatakip sa amoy ng kemikal na iniiwanan ng mga langgam para makasunod ang kasama nila, kaya malilito ang mga langgam sa kanilang direksyon dahil sa amoy ng suka. Maghalo ng magsindaming suka at tubig. Ilagay ang solusyong ito sa spray bottle. I-spray ang solusyon sa mga langgam na papalabas ng bahay o kaya ay may lungga sa ilalim ng lupa.

Kalamansi. Gamit din ang kalamansi bilang mabisang pamatay ng langgam sa bahay. Katulad din ng sukang puti, ang maasim na amoy nito ay nakapagpapalayas sa pesteng mga langgam. Natatakpan din nito ang kemikal na gamit ng mga langgam para matunton ang mga kasamahan nila. Magpahid ng katas ng kalamansi sa mga pintuan at sa mga lugar na alam mong dinadaanan ng mga langgam. Gawin mo ito sa mga lalagyan ng pagkain at mga cabinet gamit ang kapirasong bulak. Gawin mo ang pamamaraang ito sa loob ng ilang araw hanggang tuluyan nang mawala ang iyong problema sa langgam.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mabisang Pamatay sa Langgam sa Bahay
5 (100%) 1 vote

KATULAD NA MGA ARTIKULO