Search

Ano ang Pinakamabisang Pamatay sa Surot?

Ano ang Pinakamabisang Pamatay sa Surot?

Kung palagi mong napapansin ang maliliit ngunit makakating mga pantal sa balat tuwing paggising mo, baka iyan ay sintomas na ikaw ay may surot o bedbugs sa bahay. Ang maliliit na mga pesteng ito ay maaaring manirahan sa inyong mga gamit sa kwarto. Kung ikaw ay may surot sa bahay, malamang na mapansin mo na talagang mahirap na kontrolin ang ganitong uri ng peste sapagkat ito mahirap hanapin dahil ang surot ay ay ubod ng liit. Bukod diyan, ang insektong ito ay napakabilis mag parami. Kung ikaw ay may surot sa bahay, tandaan mo na dapat lamang ang agarang paggamit ng mga pamatay sa surot upang makontrol mo agad ang pag dami nito bago pa man nila sakupin ang iyong buong tahanan at maging sanhi ng matinding problema sa kalusugan ng mga nakatira dito.

Ang totoo, ang pagkakaroon ng surot ay hindi naman palatandaan na ang bahay mo ay marumi, pero ito ay malamang na nakarating sainyo dahil sa mga dala-dalahan o bagahe, gamit ng mga mwebles o kama, mga damit o iba pang mga gamit sa bahay.

May mga paraan na pwede mong gawin bilang pamatay sa surot na malamang na gumagambala saiyong pahinga sa gabi. Ang mga surot ay walang kakayahang mabuhay sa napakainit o napakalamig na temperature, kaya ang mga pamamaraan tulad ng paggamit ng mainit na singaw sa pag-lilinis, pagpapakulo sa mga damit o mga gamit sa kwarto ay maituturing na isa sa pinakamabisang pamatay ng surot.

Sa mas malalaking silid, pwede kang gumawa ng sarili mong lason para sa surot gamit ang tea tree oil, lavender oil o sa pamamagitan ng paggamit ng diatomaceous earth powder sa mga maliliit na bitak o sulok na maaaring pamugaran ng mga surot.

Para sa mas malalim na talakayan tungkol sa mga problema na dala ng surot tulad kagat ng surot at sa mga sintomas nito, magyaring tingan ang artikulong “Mabisang Gamot sa Kagat ng Surot” sa website ding ito.

Ano ang pinakamabisang pamatay sa surot?

Ano nga ba ang dapat gawin bilang mabisang pamatay surot sa iyong higaan? Naglista kami ng ilang mga pamamaraang napatunayan nang mabisang pamatay ng surot.

Hanapin ang mgta pinamumugaran ng surot

Isa sa pinaksusi ng matagumpay na pagpuksa sa surot ay ang pag-alam ng eksaktong lugar kung saan sila naninirahan sa loob ng iyong bahay. Ang surot ay kadalasang nakatira sa kwarto pero maaari ring silang manirahan sa bahagi ng bahay kung saan tinutulugan din ng mga tao o mga alagang hayop.

Ang mga eksperto ay nagmumungkahi ng masinsinang pag inspeksyon sa mga gamit sa pagtulog tulad ng kama, unan, kumot at mga mwebles. Tingnan din ang mga butas o espasyo ng inyong mga bed frames at lahat ng sulok sa inyong kwarto. Tingnan din ang mga sulok ng inyong mga aparador, mga mantel o paperwall, pati na ang inyong mga appliances.

Tandaan na ang mga espasyo na singnipis ng credit card ay pwedeng pwede nang pamugaran ng mga surot.

Pag sangguni sa pest exterminator

Ano nga ba ang epektibong pamatay sa surot? Kung kami ang iyong tatanungin, ang pagsangguni at pagkuha sa serbisyo ng isang may karanasang pest control specialist ang siyang pinaka mkahusay at subok na paraan para lubusang maalis ang inyong problema sa surot. Dahil sa ang surot ay napakaliit at madaling magparami, mahihirapan kang puksain ito kung sila ay umabot na sa isang partikular na dami. Ang mga pest exterminator ay gagamit ng pamatay na mga kemikal na sila lamang ang pinahihintulutang gumamit. Alam nila kung paano ito gagamitin na hindi gaanong makapamiminsala sa kalusugan ng tao. Mas malaki ang posibilidad na masolusyunan ang iyong problema sa surot kung kukuha ka ng tulong galing sa mga dalubhasa.

Ngunit tandaan, may mga downsides din ang pagkuha ng pest exterminator! Una, magtanong ka muna kung magkano ba ang bayad sa serbisyo nila. Baka mabigla ka kung iabot ng exterminator ang bill mo na malamang abutin ng ilang libong piso! Kaya bago ka tumawag sa exterminator, magtanung-tanong ka muna o magresearch ng hindi ka mapasubo.

Isa pa, tiyak na gagamit sila ng matatapang na lason para sa surot, na kadalasan ay nakakapaminsala sa kalusugan kapwa ng mga tao at ng mga alagang hayop. Bagaman eksperto sila sa paggamit ng mga kemikal at ng mga kasangkapang pamatay ng surot, may posibilidad parin na magkaroon ng masamang epekto sa kalusugan ng pamilya mo ang mga kemikal o lason na gagamitin nila. Mas mabuti kung magreresearch ka muna tungkol sa mga pinsalang pwedeng idulot ng paggamit ng kemikal bilang pamatay ng mga insekto bago ka humingi ng tulong sa kanila.

Pamatay sa surot sa natural na paraan

Oo, mahal at may posibilidad na magkaroon ng pangit na resulta ang paggamit ng matatapang na lason para surot, iyon pa naman sana ang pinaka-epektibong paraan para puksain sila. Pero hindi naman iyan nangangahulugan na kung hindi ka gagamit ng kemikal o sumangguni sa pest exterminator ay wala ka nang pag-asa na makawala pa sa mga problemang dala ng surot. May mga paraan din naman na pwede mong isagawa. Tandaan lamang na ito ay nangangailangan ng matinding pagsusumikap at consistency.

Ang pinakamabisang paraan para maubos ang mga pesteng surot sa bahay ay paggamit ng mga sumusunod na mga pamamaraan ng sabay-sabay.

  • Paggamit ng vacuum cleaner sa mga lugar na matatagpuan ang mga surot
  • Pagkatapos na mag-vacuum, gumamit ng mainit na singaw o hot steam bilang pamatay sa mga natitira pang buhay na insekto
  • Pakuluan o ibabad sa mainit na tubig ang mga damit, kobre kama, kumot o iba pang mga tela sa mainit na tubig
  • Gumamit ng hot dryer sa mga kagamitang hindi pwedeng labhan. Ang hair dryer ay pwede ring gamitin
  • Balutin sa plastic ang mga unan o kama para hindi ka makagat ng surot.
  • Gumamit ng diatomaceous earth o tea tree oil para patayin ang mga surot na mahirap maabot

Paano makaka-iwas sa pagkakaroon ng surot?

Ang pinakamabisang paraan para hindi makaranas ng kagat ng surot ay ang hindi pagpayag na makarating sila sa bahay mo. Narito ang ilan sa mga dapat mong gawin para makaiwas sa problema na dala ng surot.

  • Kung may mapansin kang maliliit na patak ng dugo sa higaan mo, agad na tingnan ang lahat ng bahagi ng iyong higaan kung may nakapasok na surot.
  • Kung ikaw ay nanggaling sa bakasyon, i-vacuum ang iyong mga gamit.
  • Kung ikaw ay tutuloy sa hotel, gumamit ng flashlight para inspeksyunin ang iyong hihigaan.
  • Bago ka magdala ng gamit nang mga kasangkapan sa bahay, siguraduhin mo munang wala itong surot.

Kapag napansin mong may surot sa bahay mo, huwag mo itong patagalin! Gamitin mo ang mga pamatay sa surot na napag-usapan natin sa unahan ng artikulong ito ng hindi ka na mamroblema pa sa hinaharap!

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Pinakamabisang Pamatay sa Surot?
5 (100%) 1 vote